Monday, October 11, 2010

no. 7 - SUPERMAN... (poem)


lipad ay kay taas
mukha'y wala ni gasgas
tindig ay walang kasing tikas
sadyang walang kakupas-kupas
...
mistulang isang ibon sa himpapawid
nakikinig at nagmamasid
ilang dagat na ba ang iyong tinawid
at gaano kalalim na ba ang iyong sinisid
...
ngunit sa lahat-lahat na kaya mong gawin
ako ba'y iyong matutulungan din
sa aking mabigat na pasanin
dulot nitong masidhing damdamin

No comments:

Post a Comment